Pacers nakaisa sa Knicks

INDIANAPOLIS — Isinalpak ni Andrew Nembhard ang isang 31-foot, tiebreaking three-pointer sa huling 16 segundo para sa 111-106 pagbawi ng Indiana Pacers sa New York Knicks sa Game Three ng kanilang Eastern Conference semifinals series.

Tumapos si Nembhard na may limang puntos, habang humataw si Tyrese Haliburton ng playoff career-high 35 markers para sa 1-2 agwat ng Pacers sa kanilang serye ng Knicks.

Nag-ambag si Pascal Siakam ng 26 points at 7 rebounds at humakot si Myles Turner ng 21 points at 10 rebounds para sa Indiana na muling iho-host ang Game Four.

Pinamunuan ni Donte DiVincenzo ang New York sa kanyang 35 points tampok ang pitong 3-pointers kasunod ang 26 markers ni Jalen Brunson.

Sa Minnesota, buma­nat si Jamal Murray ng 24 points sa 117-90 pagganti ng nagdedepensang Denver Nuggets sa Minnesota Timberwolves sa Game Three para sa 1-2 agwat sa Western Conference semifinals duel.

Humakot si three-time NBA MVP Nikola Jokic ng 24 points, 14 rebounds at 9 assists at may 21 mar­kers si Michael Porter Jr. sa pagbangon ng Nuggets mula sa 0-2 pagkakaiwan sa serye.

Nalimitahan si Anthony Edwards sa 19 points at may 14 markers si Karl-Anthony Towns sa panig ng Timberwolves.

Kinuha ng Denver ang 28-20 bentahe sa first period bago humataw sa se­cond quarter para iposte ang  20-point lead patungo sa 72-50 pag-iwan sa Minnesota sa third canto.

Show comments