Boss Lady mapapalaban nang husto

MANILA, Philippines — Sasalang ang Boss Lady sa 2024 Philracom 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race na ilalarga sa Mayo 19 sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Masisilayan muli ng mga karerista ang husay ng Boss Lady kung saan inaasahang mapapalaban ito sa ibang tigasing kasali sa distansyang 1,600 meter race.

Sasakyan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate ang Boss Lady at makakatagisan ang 13 pang nagpahayag ng paglahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Kabilang sa mga sasali ay ang Ano Noventa Y Seis, Beltuna, Every Sweat Counts, Jeng’s Had Enough, Hans City, Mae Bell at Malibu Princess.

Nakalaan ang P500,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line.

Ang iba pang paparada sa pista ay ang Over Azoo­ming, Shadow Oaks, Simply Jessie, Unli Burn, War Chief at Wolfthreefivenine at reserve ang Boss Uno.

Tatanggapin ng mananalong kabayo ang P300,000, mapupunta sa second placer ang P100,000, habang ang P50,000, P25,000, P15,000 at P10,000 ang ibibigay sa third hanggang sixth placers, ayon sa pagkakasunod.

Show comments