BOSTON — Bumanat sina Jaylen Brown at Derrick White ng tig-25 points para gabayan ang Celtics sa 118-84 pagsibak sa Miami Heat sa Game Five papasok sa Eastern Conference semifinal round.
Tinapos ng Boston ang kanilang first-round playoff series ng Miami sa 4-1 at haharapin ang mananalo sa pagitan ng Cleveland Cavaliers at Orlando Magic.
Hawak ng Cavaliers ang 3-2 lead sa kanilang first-round duel ng Magic.
Nagsalpak si White ng limang 3-pointers at may 17 points si Sam Hauser,.
Humakot si Jayson Tatum ng 16 points at 12 rebounds para sa top-seeded Celtics na nagposte ng 37-point lead.
Pinamunuan ni Bam Adebayo ang Heat sa kanyang 23 points.
Hindi naglaro para sa Miami sina injured Jaime Jaquez, Jr. (hip), Jimmy Butler (knee) at Terry Rozier (neck).
Kumonekta ang Boston ng walong triples sa opening period patungo sa paglalatag ng 18-point lead sa second quarter.
Sa Los Angeles, humugot si Luka Doncic ng 20 sa kanyang 35 points sa second half at nagdagdag ng 10 assists at 7 rebounds sa 123-93 pagbugbog ng Dallas Mavericks sa Clippers sa Game Five para agawin ang 3-2 lead sa kanilang Western Conference first-round series.