Luka, Shai o Nikola

Three-way rumble nina Luka Doncic ng Dallas Mavericks, Shai Gilgeous-Alexander ng OKC Thunder at Nikola Jokic ng Denver Nuggets ang labanan para sa NBA Season MVP award.

At kahit saan ito mapunta, non-American player sa ikaanim na sunod na season ang tatanghaling NBA MVP.

Si James Harden ang huling Amerikano na nahirang na NBA top player noong 2018 sa kanyang paglalaro sa Houston Rockets.

Matapos noon, eh nag back-to-back si Greek Freak Giannis Antetokounmpo, bagay na ginaya ni Serbian Jokic noong 2021-22, bago humugot ng kanyang sari­ling MVP feat si Cameroonian Joel Embiid.

Nakalinya si Jokic na tumatlo, pero matibay din ang kaso nina Doncic at Gilgeous-Alexander para tumuntong sa tuktok ng glorya.

Career-high 39 points, 9.8 assists at 9.2 rebounds ang mga averages na kinamada ni Doncic. Huwaw!

Samantalang may statsline na 30.1 points, 6.2 assists, 5.5 rebounds at 2.0 steals si Gilgeous-Alexander sa pangunguna sa Thunder sa No. 1 seeding sa Western Conference.

Bahagya nilang inungusan ang Nuggets team ni Jokic na hindi rin matatawaran sa kanyang mga numero – 26.4 points, 12.4 rebounds, 9.0 assists at 1.4 steals.

Maganda ang MVP derby, gaya ng bakbakan nina Victor Wenbanyama (San Antonio), Chet Holmgren (OKC) at Brandon Miller (Charlotte) para sa Rookie of the Year honors.

Kumakarera din si Wemby para sa Defensive Player of the Year plum kalaban sina Bam Adebayo ng Miami at Rudy Gobert ng Minnesota.

Interesting!

Show comments