Maid of Honor (98)

“ALAM ko kung saan tayo daraan,’’ sabi ni Inah. “Sumunod kayo sa akin,’’ sabi pa nito at tinungo ang isa sa mga saradong pintuan ng gusali.

“Paano mo bubuksan yan, Inah?’’ tanong ni Rocky.

May inilabas na susi si Inah. Sinusian ang tila kinakalawang na door knob. Nagklik. Itinulak ni Inah. Nakatingin lang sina Rocky at Honor. Humanga kay Inah.

Pumasok sila. Binuksan ni Inah ang flashlight ng kanyang cell phone. Ganundin ang ginawa nina Rocky at Honor. Bahag­yang lumiwanag.

“Dito tayo sa gawing kanan,’’ sabi ni Inah.

Naglakad sila sa pasilyo. Amoy kulob ang gusali.

Halatang matagal nang abandonado. Pero nakapagtataka na buo pa ang mga partisyon. Hindi pa bumabagsak ang kisame.

Pagdating sa dulo, kumaliwa sila. Hanggang makarating sila sa isang saradong kuwarto na stainless ang pinto.

“Ito ang kuwarto na kinaroroonan ng black bag,’’ sabi ni Inah.

“May susi ka?’’ tanong ni Rocky.

“Oo Kuya, kung ano ang susi sa main door, yun din ang susi rito.’’

Sinusian ni Inah.

Hindi naman humihinga sina Honor at Rocky.

Hanggang makarinig sila ng klik sa pinto.

Nabuksan. (Itutuloy)

Show comments