SMB itinagay ang 6-0

Pinabayaan na lamang ni Terrence Romeo ng SMB si Alec Stockton ng Converge.
PBA Image

MANILA, Philippines — Nagliyab ang San Miguel ng 51 points sa third quarter at hindi na lu­mingon patungo sa 112-103 panalo sa Converge upang mapanatili ang perpektong kampanya sa 2024 PBA Philippine Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig Cty.

Limang players ang naglista ng double di­gits sa pangunguna ni CJ Perez na may 25 points pa­ra trangkuhan ang ratsa­da ng Beermen sa 6-0 kartada.

Bagsak ang FiberXers sa 0-8.

Nag-ambag ng tig-19 markers sina Don Trollano at Marcio Lassiter na siyang nakatulong ni Perez sa 51-20 alagwa sa third period matapos ang maalat na simula sa first half.

Tig-limang tres ang ibinuslo nina Trollano at Lassiter at dalawa kay Pe­­rez para sa pare-pareho nilang double-di­git performance sa third quarter.

Kumamada ng 18 points si Terrence Romeo at humakot ng 14 points, 17 rebounds, 3 assists at 4 blocks si seven-time PBA MVP June Mar Fajardo.

Hindi agad nakatagay ang Beermen nang maiwan sa 20-29 sa first quarter tsa likod ni Alec Stockton para sa FiberXers.

Naghahabol pa sa 43-50 ang SMB sa halftime bago kumalawa sa third quarter kung saan tinambakan nila ang Converge ng 30 points.

Hindi sumapat ang bagong career-high 36 points ni Alec Stockton.

Show comments