NU kakalas sa 3-way tie

MANILA, Philippines — Pakay ng National Uni­versity na kumalas sa three-way tie sa pagharap sa Adamson University sa UAAP Season 86 wo­men’s volleyball tournament sa Philsports Arena sa Pasig City.

Muling kakapitan ng Lady Bulldogs si Evangeline Alinsug upang itarak ang six-game winning streak at masolo ang top spot sa team standings.

Tangan ang 10-2 record, nakasiksik ang NU sa No. 1 kasama ang de­fen­ding champions De La Salle University at University of Santo Tomas.

Nakatakda ang banatan ng NU at Adamson nga­yong alas-4 ng hapon matapos ang bakbakan ng Far Eastern University at University of the Philippines sa alas-2 ng hapon.

Si Alinsug ang namuno sa opensa para sa Lady Bulldogs nang payukuin nila ang Lady Spikers, 22-25, 25-23, 25-16, 25-22, sa huli nilang laro.

Kaya naman inaasa­hang kay Alinsug kukuha ng lakas ang NU para ma­patibay ang tsansa sa asam na solo top spot.

Show comments