^

PM Sports

Anyare na?

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Follow-up lang ito ng column ko noong nakaraang linggo. Medyo nagulat nga kasi ako sa pitong Ni­noy Aquino Stadium games ng PBA.

At tiningnan ko ang mga pictures sa internet na hindi puno ang venue pero inaasahang mapupuno ito kahapon dahil may laro ang Ginebra.

Pero hindi lang ako makapaniwala na ganito na ang sitwasyon ng PBA.

Dalawang taon pa lang akong nag-retire bilang sports editor, anim na buwan dito sa Tate at hindi ako maka-move on sa sitwasyong ito ng PBA.

Gaya nga ng nabanggit ko nu’ng nakaraan, na­unahan daw ng UAAP at PVL sa malalaking ve­nues ang PBA.

Pero kasi sa hirap din talaga ng buhay, ta­la­gang marami na ang hindi ma­ka-afford at si­yempre ang iba, nagtitipid kaya nanonood na lang sa TV or live stream.

Pero kasi dito sa Ta­te, kahit anong mahal ng ticket, punuan lagi ang mga venues ng NBA, la­lo na ang mga NFL games (American football) at ma­ging mga baseball games. Talagang sinusuportahan ng mga fans ang kanilang teams.

Alam nating lahat na ang Ginebra ang may so­lidong fan following. Pero ang ibang teams…

Pero naniniwala akong malalampasan ito ng PBA.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with