NU bumandera sa PNVF Under-18

MANILA, Philippines — Dinomina ng National University-Nazareth ang San Juan Institute of Technology-Batangas, 25-10, 25-12, sa 2024 Philippine National Volleyball Fede­ration (PNVF) Under-18 Championship kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Tinapos ng Lady Bulldogs ang laro sa loob ng 42 minuto para iposte ang 4-0 record para sa  top seed sa girls’ Pool B sa torneong inorganisa ni PNVF president Ramon “Tats” Suzara.

Nauna nang tinalo ng NU ang Colegio de Los Baños, 25-10, 25-12, Pa­rañaque City, 25-4, 25-16, at ang De La Salle-Lipa, 25-21, 25-16.

May 2-2 baraha nga­yon ang Batangas.

Dinaig naman ng Gracel Christian College ang Maryhill College Lucena, 25-19, 25-20, sa girls’ Pool A para sa kanilang 2-0 kartda, habang pinatumba ng Canossa Aca­demy-Lipa ang Colegio delos Baños, 25-4, 25-21, para makasampa sa win column.

May 1-3 record nga­yon ang Canossa Academy-Lipa at laglag ang Los Baños sa 1-3.

Giniba ng Canossa Aca­demy ang Golden Whis­kers Club, 25-10, 25-18, para sa 2-2 baraha sa boys’ Pool A.

Show comments