^

PM Sports

Dyip tumukod sa Beermen

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Dyip tumukod sa Beermen
Inagaw ni SMB center June Mar Fajardo ang rebound kay Stephen Holt ng Terrafirma.
PBA Image

MANILA, Philippines — Dumaan sa butas ng karayom ang San Miguel bago malusutan ang palabang Terrafirma, 113-110, at manatiling walang galos sa 2024 PBA Philippine Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Apat na players ang kumamada ng double digits para banderahan ang dikit na tagumpay ng Beermen, na napanatili ang kapit sa liderato sa 5-0 kartada.

Pumukol ng 25 puntos, 6 rebounds at 5 assists si Commissioner’s Cup Best Player of the Conference CJ Perez habang umiskor ng season-high na 24 puntos si Mo Tautuaa sahog pa ang 8 rebounds at 4 assists.

Hinakot naman ni 7-time PBA June Mar Fajardo ang kanyang ika-13 sunod na double-double na 20 puntos at 17 rebounds sahog pa ang 6 assists, 1 steal at 1 tapal habang may 16 puntos si Terrence Romeo.

Tampok sa season-high ni Tautuaa ang krusyal na basket sa huling 15 segundo upang bigyan ng 113-110 bentahe ang Beermen bago sumablay ang panabla sanang tres ni Isaac Go tungo sa tagumpay.

Kontra sa ganadong Terrafirma na kagaga­ling lang sa 91-85 panalo laban sa contender na Barangay Ginebra, naiwan pa ang SMB sa hanggang 12 puntos bago saktong makaalpas sa dulo.

Bumaba ang Terrafirma sa 4-4 kartada subalit nanatili pa rin sa ikaapat na ranggo.

 

TERRAFIRMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with