PBA sa ninoy aquino stadium

Pitong PBA game days sa Ninoy Aquino Stadium.

Well, international standard ang Ninoy Aquino ha…

Ang flooring nun ay ang flooring na ginamit noong 2023 FIBA World Cup sa Mall of Asia Arena na inilipat sa Ninoy.

‘Di hamak na talagang mas maliit ang Ninoy kumpara sa mga regular venues ng PBA.

“Yung isang game, dalawa….hindi ako magtataka, pero 7-games….. medyo nawirduhan ako.

Sabi ng isang friend, naunahan daw ata ang PBA ng UAAP at PVL sa pagpapa-reserve sa Smart Araneta Coliseum at MOA.

Pero sabi din ng isang friend, mas nakakaungos na talaga ang volleyball at medyo lumiliit na ang live audience ng PBA.

Natutuwa ako para sa volleyball… happy ako na umaalagwa na ang PVL.

Pero malapit kasi sa puso ko ang PBA dahil ilang taon ko ring kinober ang liga bilang sportswriter at patuloy kong nasubaybayan nung na­ging editor na ako.

May mga issue nga­yon sa PBA…. Pero naniniwala akong maaalpasan ito ng liga.

Show comments