MANILA, Philippines — Nadagdagan ng kumpiyansa ang Ateneo Lady Eagles nang pahirapan nila ang nangungunang University of Santo Tomas Golden Tigresses ayon kay team captain Roma Mae Doromal.
Nadapa ang Lady Eagles sa Golden Tigresses ng magharap sa second round pero umabot ito sa limang sets at 13-15 nagkatalo sa deciding frame.
“I’m very happy sa performance ng team,” ani graduating na si Doromal, “Ito na yung nakikita namin sa training na hirap na hirap kami i-apply siya sa game. Pero ito na, ito na yung Ateneo,”
Pagkatapos ng UST ay sunod naman na hinarap ng Katipunan-based squad ang University of the Philippines Lady Marrons at niligwak nila ito sa talong sets lamang, 25-14, 25-20, 25-15.
“Nakita namin after the UST game yung level nga namin, which naka-help talaga sa amin coming into this game,” wika pa ng 23-anyos libero.
Nakatambay sa pang lima sa team standings ang Ateneo kasama ang 3-6 record, malakas pa ang tsansa nilang umusad sa susunod na phase dahil dikit lang sila ng No. 4 na Far Eastern University tangan ang 4-4 card.