Huwag malilito, kung dati-rati ay sanay tayong isang buong NBA calendar na isang regular season lang ang sinusubaybayan natin bukod sa mga pre-season games na mga exhibition matches lang at All-Star Game, nagbago na ang lahat mula noong nagkaroon ng COVID-19 pandemic.
Iba na ngayon.
Pagkatapos ng pre-season, naglaro ng unang bahagi ng regular season games tapos nagkaroon ng In-Season tournament kung saan nakopo ng LA Lakers ang NBA Cup.
Ginananap ang All-Star Week bago itinuloy uli ang mga regular season games na matatapos sa April 14 at lalaruin ang NBA Play-In Tournament sa April 16-19.
Huwag malilito.
Ang NBA Play-In Tournament ay walong extra games lamang sa NBA calendar.
Parang mini-tournament lang kung saan may apat na teams, ang No. 7-10 teams sa bawat conference, pagkatapos ng regular season, na maglalaban-laban para sa final two spots ng kani-kanilang respective conference playoffs.
Sibakan tournament kumbaga.
Maglalaban ang No. 7 at No. 8 teams kung saan ang mananalo ang ookupa ng No. 7 seed sa playoffs. Pero ang losing team ay may tsansa pa.
Maglalaban naman ang No. 9 at No. 10 team para sa karapatang harapin ang talunan sa No. 7-No. 8 match kung saan nakataya ang ika-walo at huling play-off slot.
Kumbaga, ang No. 7 teams at 8 teams ay may twice-to-beat advantage kontra sa No. 9 at No. 10 teams.
Pagkatapos niyan, lalaruin na ang playoffs para malaman kung sino ang maglalaban sa NBA finals para sa Larry O’Brien championship trophy.
Sa ngayon ang Boston Celtics pa lang ang nakakasiguro ng playoff slot sa East at inaasahang sunud-sunod nang mapupuno ang Top-six slots sa bawat tournament.