^

PM Sports

Brownlee babandera sa Pelita Jaya sa Indonesian League

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Opisyal na ang paglalaro ni Justin Brownlee sa Indonesia matapos ipakilala ng Pelita Jaya Basketball Club bilang pinakabagong import nito sa Indonesian Basketball League.

Inanunsyo kamakalawa ng koponan ang pagsikwat sa serbisyo ni Brownlee na sasamahan ang iba pang dating PBA imports na sina Thomas Robinson at KJ McDaniels.

Binasbasan si Brownlee, naturalized player ng Gilas Pilipinas, ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at PBA mother club na Barangay Ginebra na makapaglaro muna sa liga para manatiling nasa kundis­yon bago magbalik sa national team.

Wala pa kasing laro ang Gilas hanggang sa Hulyo para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo habang sa susunod na season pa ang import-flavored confe­rence ng PBA na idinaraos sa ngayon ang Philippine Cup.

Kagagaling lang ni Brownlee sa maugong na pagba­balik sa court matapos ang tatlong buwang suspensyon mula sa FIBA kaugnay ng bagsak na doping test pagkatapos ng Asian Games sa China, kung saan wagi ng gintong medalya ang Gilas matapos ang 61 taon.

May 7-1 kartada ang Pelita Jaya at sa Sabado inaasahang sasalang sa debut si Brownlee para sa misyong maipagpatuloy ang winning tradition matapos manalo ng 6 na championships at 3 Best Import awards para sa Ginebra sa PBA.

Bago sa Pilipinas at sa Indonesia, sumalang na rin dati si Brownlee sa NBA G-League, Mexico, Italy, Lebanon, United Arab Emirates at ASEAN Basketball League, kung saan nadala niya rin sa kam­peonato ang Alab Pilipinas.

vuukle comment

JUSTIN BROWNLEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with