Malupit si Berto

Dati nang prolific scorer, pero lalong naging malupit at matinik si Robert Bolick sa kanyang balik-PBA galing sa panandaliang paglalaro sa Japan B. League.

Import numbers ang tikada ni Bolick, malaking susi sa malakas na 4-1 start ng NLEX Road Warriors sa PBA Season 48 Philippine Cup.

Through five games, umaalingawngaw na 30.2 points ang league-leading average ng dating San Beda King Lion.

Kasama rin sa kanyang stats line ang 6.4 rebounds at 6.8 assists averages.

Malamang na breakaway kaagad si Bolick sa Best Player of the Conference race.

Iyon nga lamang, isang factor lang ang stats.

Kung magko-contend ang NLEX ace sa nasabing award, kailangan ng Road Warriors na marating ang playoffs at lumaban sa karera patungo sa finals.

Sa kanilang 4-1 start, mukhang madali na sa Road Warriors na maabot ang post-elims battle.

Ang goal eh, magandang playoffs seeding at makaiwas sa mga heavyweights – San Miguel Beer, Barangay Ginebra, Magnolia at TNT – para sa mas magandang tsansang abutin ang Final Four.

Pero maaga pa!

Paparating pa lang ang mas mabigat na challen­ges, kasama ang kanilang unang dalawang laro – Magnolia at TNT – pagka­tapos ng PBA All-Star Weekend.

Siguradong mapapalaban si Berto sa mga lintik na guard rotations ng Hotshots at Tropang Giga.

Show comments