PORTLAND, Ore. , Philippines — Nagsalpak si Fil-Am guard Jalen Green ng 27 points, kasama rito ang dalawang statement dunks sa third quarter, para akayin ang Houston Rockets sa 123-107 paggupo sa Trail Blazers.
Tumipa si center Alperen Sengun ng 19 points habang nagdagdag si Fred VanVleet ng 18 points at 10 assists para sa Houston (28-35).
Humataw si Dalano Banton ng career-high 30 points para sa ikatlong sunod na kamalasan ng Portland (17-45).
Nagposte ang Blazers ng isang 12-point lead bago agawin ng Rockets ang kalamangan sa third quarter at inilista ang 99-88 bentahe mula sa three-point shot ni Jock Landale sa 8:45 minuto nito.
Sa Memphis, dinuplika ni Dejounte Murray ang kanyang career high na 41 points sa 99-92 pagdagit ng Atlanta Hawks (29-34) sa Grizzlies (22-42).
Sa Los Angeles, kumamada si D’Angelo Russell ng season-high 44 points sa 123-122 pagtakas ng Lakers (35-30) sa Milwaukee Bucks (41-23).
Sa Oklahoma City, bumanat si Shai Gilgeous-Alexander ng 37 points sa 107-100 panalo ng Thunder (44-19) sa Miami Heat (35-28).