Malonzo tutok sa laro
MANILA, Philippines — Nakasentro ang atensiyon ni Barangay Ginebra standout Jamie Malonzo sa laro matapos itong masangkot sa kontrobersiya kamakailan.
Kaya naman sinuklian ito ni Malonzo ng impresibong laro para tulungan ang Gin Kings na makuha ang 113-107 panalo kontra sa Rain or Shine sa PBA Season 48 Philippine Cup noong Biyernes sa Big Dome.
Nagsumite si Malonzo ng career-high 32 points kasama ang walong rebounds at tatlong assists.
Matatandaang lumabas ang isang video na nakipagsuntukan si Malonzo sa isang restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig.
“It’s tough for me, it’s been a lot for me but just credit to my team, they’ve been holding me down, checking on me throughout the process, they have my back, I’m going through a lot, and it hasn’t been easy,” ani Malonzo.
Maraming nagsulputang isyu subalit nais na lamang ni Malonzo na ituon ang kanyang sarili sa paglalaro.
“It’s difficult to cancel all the noise and focus on the game, so I’m just happy that I was able to do what I did, and we got the win,” aniya.
Hanggang ngayon, may naiwan pang marka kay Malonzo.
Namumula pa ang kaliwang bahagi ng mata nito.
Subalit hindi naman ito nakaapekto sa Gilas Pilipinas player dahil solido pa rin ang ipinakitang laro nito.
- Latest