Training ground lang

Sorpresang agad nakapag-paandar ang Blackwater at Terrafirma at sorpresa ring pinagsaluhan ang maagang pamumuno sa 2024 PBA Philippine Cup.

Mas nakakagulat ang conference start ng mga Bos­sing – dalawang sunod na upset wins kontra Meralco, 96-93, at TNT Tropang Giga, 87-76.

At hindi rin naman matatawaran ang simula ng mga Dyip – 107-99 panalo kontra Converge na sinundan nila ng 99-95 decision laban sa NLEX.

Malaking boost ang dala ni new acquisition Rey Nam­batac sa Blackwater, samantalang ang magandang tam­balan nina Juami Tiongson, Stephen Holt, JP Calvo at Javi Gomez de Liano ang malaking susi sa Terrafirma.

Siyempre, mas maganda sa liga kung maipagpapa­tuloy nila ang kanilang competitiveness at makatulong sa pagpapataas ng excitement ng PBA games.

Ganoon pa man, inaasahan pa rin na ang mga tra­­ditional powers ang maglalaban-laban sa itaas sa ban­dang huli.

Ito ay hindi magbabago hanggang hindi guma­gawa ang liga ng measures na pipigil sa pagdaloy ng mga star players sa dalawang major blocs.

Ang sabi: rich becomes richer, poor becomes poorer.

Training teams ang maraming independent teams. Once na makita ang magandang kalibre ng player, da­rating ang trade deals na magdadala sa kanila sa mga po­werhouse teams.

Show comments