Ganuelas-Rosser sa TNT na

MANILA, Philippines — Nag-rigodon ng players ang Talk ‘N Text, NLEX at Blackwater na nakasentro kay Brandon Ganuelas-Rosser bago umarangkada ang Philippine Cup ng PBA Season 48 bukas sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Nasa Tropang Giga na ang dating No. 1 overall pick na si Ganuelas-Rosser mula sa NLEX kapalit ng sandamakmak na players at future pick ayon sa three-team trade na inaprubahan ng PBA kahapon.

Unang pinalit ng NLEX si Rosser sa Blackwater kapalit sina Ato Ular, Yousef Taha at 1st roud pick sa Season 51 bago ito i-trade ng Bossing sa Tropang Giga.

Nakuha ng Blackwater na kapalit ni Ular sa TNT sina Jaydee Tungcab, Justin Chua at 1st round pick din sa Season 51.

Si Rosser ang top overall pick ng Blackwater noong 2022 at agad din nilang trinade sa NLEX sa parehong three-team trade kasama rin ang TNT.

Sa dating trade ay tinulak ng Blackwater pa-NLEX si Rosser kasama ang future picks kapalit ni Calvin Oftana at Raoul Soyud na trinade rin nila agad pa-TNT kapalit sina Troy Rosario at Gab Banal.

Sa pagkakataon ito, nakabalik si Rosser si Blackwater pero hindi rin ito nagtagal dahil sa mabi­lisang trade papunta sa TNT.

Show comments