UP, Adamson asam ang 1st win

MANILA, Philippines — Pareho ang nasa isip ng Adamson University La­dy Falcons at University of the Philippines La­dy Maroons, ang ma­sungkit ang unang pa­nalo sa UAAP Season 86 women’s volleyball tour­nament.

Pero isa lang sa kanila ang matutupad ang asam dahil sila ang magkatapat ngayong alas-2 ng hapon na lalaruin sa Mall of Asia Arena sa pasay City.

Sumadsad ang Lady Fal­cons at Lady Maroons sa nakaraang laban nila at pakay nilang bumangon para hindi mabaon sa ila­lim ng team standings.

Tangan ng Lady Falcons at Lady Maroons ang 0-1 karta.

Sina Lucille Almonte at Ishie Lalongisip ang na­muno sa opensa para sa Adamson nang mawalis sila ng nagdedepensang De La Salle University sa opening day matapos magtala ng tig-6 points.

Sina Almonte at Lalongisip pa rin ang kakapitan ng Lady Falcons.

Ibabangga ng Lady Ma­­roons sina Nina Ytang, Jewel Encarnacion at Nikha Cabasac.

Samantala, maghaha­rap naman sa alas-4 ng hapon ang National University Lady Bulldogs at Ateneo Lady Eagles.

Show comments