Mapua, Perpetual ‘di maghihiwalay

MANILA, Philippines — Ang pananatili sa itaas ng team standings ang kapwa hangad ng Mapua University at University of Perpetual Help sa Season 99 junior basketball tournament sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan City.

Lalabanan ng Red Robins ang nagdedepensang Letran Squires nga­yong alas-8 ng umaga habang haharapin ng Junior Altas ang Arellano Braves sa alas-2:30 ng hapon.

Magtutuos sa alas-10 ng umaga ang St. Benilde Junior Blazers at San Beda Red Cubs kasunod ang bakbakan ng Lyceum Junior Pirates at Emilio A­guinaldo College Brigadiers sa alas-12 ng tanghali.

Sa huling laro sa alas-4:30 ng hapon maglalaban ang San Sebastian Staglets at Jose Rizal Light Bom­bers.

Magkasosyo sa liderato ang Mapua at Perpetual sa magkatulad nilang 4-0 record kasunod ang Letran (3-1), San Sebastian (3-1), San Beda (2-2), St. Benilde (1-3), EAC (1-3), Jose Rizal (1-3), Arellano (1-3) at Lyceum (0-4).

Umiskor ang Red Ro­bins ng 72-57 panalo sa Light Bombers, samantalang inilista ng Squires ang 88-79 paggiba sa Junior Pirates.

Inangkin naman ng Junior Altas ang ikaapat na dikit na panalo mula sa 78-56 paggupo sa Red Cubs tampok ang 19 points, 6 rebounds, 5 assists at 2 steals ni Jan Pagulayan.

Nagmula ang Braves sa 81-85 pagkatalo sa Junior Blazers.

Show comments