Gilas mas lalakas -- Brownlee

MANILA, Philippines — Asahan na ang mas eksplosibong Gilas Pilipi­nas sa mga susunod na taon.

Naniniwala si natura­lized player Justin Brownlee na solido ang Gilas Pilipinas na binubuo ng mahuhusay na bagitong players na isasabak sa mga susunod na malala­king international tournaments.

Sinabi ni Brownlee na personal nitong naki­kita ang improvement ng bawat miyembro ng Gilas Pilipinas.

Kabisado na ni Brownlee ang galaw ng bawat isa dahil matagal na rin itong naglalaro sa Pilipinas.

Nagsimula ito noong 2016 PBA Governors’ Cup kung saan nakita agad nito ang sistema ng paglalaro sa bansa.

Kasama ni Brownlee ang mga bagitong players sa Gilas Pilipinas.

Sumalang ang grupo sa ensayo sa Inspire Sports Academy sa Ca­lamba kasama si Gilas Pi­lipinas coach Tim Cone.

Hanga si Brownlee sa mga batang miyembro ng GIlas Pilipinas na tunay na may ibubuga sa laro.

“Man, it’s a treat to com­pete against them in practice. You see the energy, the skill sets that each of the guys have. I think Philippine basketball is heading in the right direction now and is in great hands with those guys,” ani Brownlee.

Partikular na tinukoy ni Brownlee sina Kai Sotto, AJ Edu, Kevin Quiambao, Carl Tamayo at Dwight Ramos.

Show comments