^

PM Sports

Filipinas sasabak sa friendlies

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sasalang ang Philippine women’s national football team sa tatlong friendly matches bilang preparas­yon sa Pinatar Cup sa San Pedro del Pinatar, Spain.

Unang haharapin ng Filipinas ang Finland sa Pebrero 21 kasunod ang Scotland sa Pebrero 24 at alinman sa Slovenia o Finland sa Pebrero 27.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na sasabak ang mga Pinay booters, ang World No. 38, sa Pinatar Cup matapos noong nakaraang taon.

Nakatakda ang nasabing torneo sa Pebrero 24 hanggang 27.

Kamakailan ay inilabas ng Philippine Football Federation (PFF) ang isang 27-member roster para sa Pinatar Cup na pinamumunuan ni Sarina Bolden.

Nasa listahan sina Leah Bradley, Nina Meollo, O­livia McDaniel, Alexa Pino, Isabella Bandoja, Dionesa Tolentin, Isabella Flanigan, Chandler McDaniel at Rhea Chan.

Kasama rin sina Katana Norman, Aiselyn Sia, Maya Alcantara, Angela Beard, Reina Bonta, Jessika Cowart, Sofia Harrison, Hali Long, Camille Sahirul, Tahnai Annis, Sara Eggesvik, Jessica Miclat, Isabella Pasion, Quinlet Quezada, Jaclyn Sawicki at Meryll Serano.

vuukle comment

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with