^

PM Sports

SGA bumandera sa panalo ng Thunder

Pang-masa
SGA bumandera sa panalo ng Thunder
Umeskapo si Thunder star guard Shai Gilgeous-Alexander sa isang Kings defender.

OKLAHOMA CITY — Bumanat si Shai Gilgeous-Alexander ng 38 points habang may 32 markers si Jalen Williams para pamunuan ang Thunder sa 127-113 paggupo sa Sacramento Kings.

Ito ang unang panalo ng Oklahoma City (36-17) sa kanilang ikatlong paghaharap ng Sacramento (30-22) ngayong season.

Nagdagdag si Lu Dort ng 17 points kasunod ang 14 markers ni 7-foot-2 Chet Holmgren para sa Thunder na umiskor ng 30 points mula sa 18 turnovers ng Kings.

Tumipa sina Gilgeous-Alexander at Williams ng tig-19 points para sa 67-57 halftime lead ng Oklahoma City bago ibaon ang Sacramento sa 121-108 sa huling apat na minuto ng fourth quarter.

Humakot si Domantas Sabonis ng 21 points, 14 assists at 11 rebounds para sa kanyang ikalawang sunod na triple-double at pang-17 sa season para sa Kings.

Humataw si Malik Monk ng 26 points habang nalimitahan si De’Aaron Fox, may average na 27 points per game, sa 15 points.

Sa Miami, kumolek­ta si Jayson Tatum ng 26 points, 10 rebounds at 9 assists para gabayan ang Boston Celtics (41-12) sa 110-106 panalo sa Heat (28-25)

Nag-ambag si Kristaps Porzingis ng 25 points para sa Boston, samantalang may 20 at 15 markers sina Jaylen Brown at Jrue Holiday, ayon sa pagkaka­sunod.

Binanderahan ni Tyler Herro ang Miami sa kanyang 24 points kasunod ang 22 markers ni Bam Adebayo.

SACRAMENTO KINGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with