MANILA, Philippines — Tatalakayin ang pinakamalaking swimming event sa bansa sa pagbabalik ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong umaga sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.
Papagitna si Philippine Aquatics Inc. secretary-general at Batangas First District Rep. Eric Buhain para pag-usapan ang 11th Asian Age Group Championships na nakatakda sa Pebrero 26 hanggang Marso 9 sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.
Makakasama ni Buhain sa public sports program sina local organizing committee officers Joseph ‘Jojit’ Alcazar (president at CEO) at Dave Carter (COO).
Magsisiula ang sesyon sa alas-10:30 umaga na inihahandog ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO at ng ArenaPlus, ang 24/7 sports app sa bansa.
Higit sa 1,000 atleta mula sa 25 bansa ang lalahok sa swimming competition na suportado ng PSC at POC.