Jazz pinatumba ang Thunder

Halos sakalin ni Thunder guard Luguentz Dort si Keyonte George ng Jazz sa kanilang agawan sa bola.

SALT LAKE CITY — Humakot si Lauri Markkanen ng 33 points at 11 re­bounds para banderahan ang Utah Jazz sa 124-117 pagsapaw sa Oklahoma City Thunder.

Nag-ambag si John Collins ng 22 points at 9 rebounds para sa Jazz (26-26), habang may 16 mar­kers si Keyonte George.

Pinangunahan ni Shai Gilgeous-Alexander ang Thunder (35-16) sa kanyang 28 points at 7 assists.

Kumolekta si Jalen Williams ng 26 points, 5 re­bounds at 5 assists, samantalang nagtala si Chet Holmgren ng 22 points.

Kumonekta si Williams ng tatlong 3-pointers sa fourth quarter, ang huli ay nagbigay sa Oklahoma City ng 113-112  abante sa 3:54 minuto.

Dalawang triples na­man ang isinalpak ni George bukod sa basket ni Markkanen na nagbigay sa Utah ng 119-113 kalama­ngan sa huling minuto.

Sa Chicago, kumama­da sina Coby White at De­Mar DeRozan ng tig-33 points at binura ng Bulls (24-27) ang isang 23-point deficit para sa 129-123 overtime victory kontra sa Minne­sota Timberwolves (35-16).

Sa Phoenix, nagpapu­tok si Devin Booker ng 32 points, habang may 23 markers si Kevin Durant para tulungan ang Suns (30-21) sa 114-106 paggu­po sa Milwaukee Bucks (33-18).

Sa New York, kumana si Jalen Brunson ng 27 points bago nagkaroon ng ankle injury, samanta­lang may 32 markers si Donte DiVincenzo para pa­munuan ang Knicks (33-18) sa 123-113 pagda­ig sa Memphis Grizzlies (18-33).

Sa Miami, tumipa si Jimmy Butler ng 23 points para ihatid ang Heat (27-24) sa 121-95 panalo sa Orlando Magic (27-24).

Sa New York, humataw si Kyrie Irving ng 36 points sa paggiya sa Dallas Mavericks (28-23) sa 119-107 pagpapabagsak sa Brooklyn Nets (20-30).

Sa Indianapolis, kumamada si Pascal Siakam ng 29 points para pangunahan ang Indiana Pacers (29-23) sa 132-129 pagtakas sa Houston Rockets (23-27).

 

Show comments