MANILA, Philippines — Dinomina nina Jermyn Prado, Kim Bonilla at Angelica Mae Altamarino ang mga women’s races sa individual time trial (ITT) ng PhilCycling National Championships for Road 2024 sa Tuy at Nasugbu sa Batangas.
Ipinadyak nina Prado, Bonilla at Altamarino ang kanilang ikalawang gold medal sa event na inihahandog ng Standard Insurance at MVP Sports Foundation na inorganisa ng PhilCycling at nasa kalendaryo ng International Cycling Union (UCI).
Naorasan si Prado ng 43 minuto at 40.64 segundo sa 19.91-km Women’s Elite course, habang nagtala si Bonilla ng 26:43.60 sa 10.68-km Women Junior at tumpa si Altamarino ng 37:15.89 sa 14.34-km Women Under-23 race.