Naalala ko noong mga panahon na kapag may laban si Manny Pacquiao, kanya-kanyang plano kung paano, saan manonood ng laban.
Iyong iba, pumupunta sa mga lugar na nagpapalabas ng live feed ng laban kung saan kailangan mong bumili ng tiket para makapasok, ‘yung iba may sponsor kaya may public viewing. Iyong mga can-afford, nagbabayad ng pay-per-view. May mga nagtitiyaga rin sa mga streaming o kaya nagtitiyaga sa delayed telecast.
Walang tao sa labas, zero crime rate, walang trapik dahil nakatutok lahat sa laban.
Dito sa Tate, may version sila ng ganyan. Iyan ay tuwing NFL Superbowl.
Ang Superbowl ay ang finals ng NFL (National Football League), ang paborito nilang liga ng American football.
Magaganap ito sa February 10 (Lunes ng umaga, Manila time) pero ngayon pa lang, kanya-kanya na ng plano para sa Superbowl Sunday.
Maraming grupo ang nag-oorganize ng viewing. May mga pamilya,magkakaibigan na nagpaplano ng get-together, salo-salo, cook-out (ihaw-ihaw), kasama na ang inuman siyempre.
Paglalabanan ng American Football Conference (AFC) champion Kansas City Chiefs at National Football Conference (NFC) champion San Francisco 49ers ang maglalaban para sa Lombardi Trophy sa taong ito.
Bago ang mismong araw ng laban, may iba’t ibang Pre-superbowl party.
Marami din ang nag-aabang ng halftime show kung saan ang magpeperform sa taong ito ay si Usher.