^

PM Sports

Nakatutok lahat

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Naalala ko noong mga panahon na kapag may laban si Manny Pacquiao, kanya-kanyang plano kung paano, saan manonood ng laban.

Iyong iba, pumupunta sa mga lugar na nagpapa­labas ng live feed ng laban kung saan kailangan mong bumili ng tiket para makapasok, ‘yung iba may sponsor kaya may public viewing. Iyong mga can-afford, nagbabayad ng pay-per-view. May mga nagtitiyaga rin sa mga streaming o kaya nagtitiyaga sa delayed telecast.

Walang tao sa labas, zero crime rate, walang trapik dahil nakatutok lahat sa laban.

Dito sa Tate, may version sila ng ganyan. Iyan ay tuwing NFL Superbowl.

Ang Superbowl ay ang finals ng NFL (National Football League), ang paborito nilang liga ng American football.

Magaganap ito sa February 10 (Lunes ng umaga, Ma­nila time) pero ngayon pa lang, kanya-kanya na ng plano para sa Superbowl Sunday.

Maraming grupo ang nag-oorganize ng vie­wing. May mga pa­milya,magkakaibigan na nagpaplano ng get-together, salo-salo, cook-out (ihaw-ihaw), kasama na ang inuman siyempre.

Paglalabanan ng Ame­rican Football Con­fe­rence (AFC) champion Kansas City Chiefs at Na­tional Football Confe­rence (NFC) champion San Francisco 49ers ang maglalaban para sa Lombardi Trophy sa taong ito.

Bago ang mismong araw ng laban, may iba’t ibang Pre-superbowl party.

Marami din ang nag-aabang ng halftime show kung saan ang magpe­perform sa taong ito ay si Usher.

MANNY PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with