POC General Assembly dismayado sa posibleng suspensyon

MANILA, Philippines — Dismayado ang buong Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly sa napabalitang posibleng suspensiyon ng World Anti-Doping Agency (WADA) sa Pilipi­nas sa Olympics, Asian Games at Southeast Asian Games.

Ayon mismo kay POC president Abraham “Bambol” Tolentino, nagulantang ang lahat nang malaman ng mga POC members ang balita matapos mabigo ang Philippine Sports Commission (PSC) na makumpleto ang WADA Code.

“Everybody was shocked, but I had to report to the general assembly because it’s my responsibility,” ani Tolentino sa General Assembly.

Walang may gusto sa nangyari lalo pa’t magdiriwang ang Pilipinas ng ika-100 taon ng partisipasyon sa Olympic Games matapos ang unang paglahok nito noong 1924.

“Nobody wanted this for sure, nobody wanted to be in this delicate situation and we are also celebrating our 100 years of participation in the Olympics in Paris,” ani Tolentino.

Kaya naman umaasa ang buong POC na maka­ka­tugon ang PSC sa mga requirements na hinihiling ng WADA.

“So we are all praying and hoping that we comply,” ani Tolentino.

Nanganganib na hindi makalahoka ang Team Philippines sa Paris Olympics sa Hulyo sakaling ma­bigo ang PSC na makum­pleto ang WADA Code.

Mayroon na lamang hanggang Pebrero 13 ang PSC para maisaayos ito.

Bukod sa partisipasyon sa Olympics, Asian Games at SEA Games, hindi rin makakapag-host ang Pilipinas ng anumang international competitions.

Show comments