MANILA, Philippines — Nakahirit ng puwesto sa women’s doubles finals si Alex Eala sa International Tennis Federation (ITF) Necc-Deccan Women’s Tennis Tournament sa Pune, India.
Nakipagtulungan si Eala kay Latvian Darja Semenistaja upang patalsikin sa kontensiyon sina Japanese duo Saki Imamura at Naho Sato sa iskor na 7-6, 6-3.
Mangangailangan sina Eala at Semenistaja ng malakas na puwersa dahil makakaharap nito sa championship showdown ang top-seeded pair na sina Hungarian Fanny Stollár at Brit Naiktha Bains.
Tinalo ni Eala si Stollár sa women’s singles round of 32 noong Miyerkules.
Subalit yumuko ang Pinay netter sa quarterfinals sa kamay ng kapares nitong si top-seeded Semenistaja sa iskor naman na 7-6, 6-0.