^

PM Sports

Ebayan bibida sa SWST sa AOSI Aquatics Championships

Pang-masa
Ebayan bibida sa SWST sa AOSI Aquatics Championships
Ang 12 tankers ng South Warriors Swimming Team na kabilang sa 172 swimmers ng SLP Team Philippines ang lalahok sa AOSI Aquatics Championships sa Bangkok, Thailand sa Feb. 2-6. Ang South Warriors swimmers ay gagabayan ni coach Marlon Dula (dulong kanan).

MANILA, Philippines — Pamumunuan ni Elijah Ebayan ng South Warriors Swimming Team ang kampanya ng SLP Team Philippines sa AOSI Aquatics Championship 2024 sa Pebrero 2-4 sa Assumption University Aquatic Center-Suvarnabhumi Campus sa Bangkok, Thailand.

Bukod kay Ebayan ay 11 pang miyembro ng SWST ang lalangoy para sa 172-man SLP squad sa event na isa sa pinakamalaking developmental swimming championship sa Asia na inorganisa ng AITN ng Bangkok.

“Magandang exposure ito para sa team at para sa mga bata para nasasanay sila sa malalaking torneo na kagaya nito,” sabi ni coach Marlon Dula ng SWST.

Si Ebayan ay miyembro ng Phl Team na lala­ngoy sa Asian Age Group sa Pebrero 26 hanggang Marso 9 sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Sasalang din sina O­rianthi Gamboa (8 and under category) Johan Riley Busadre (9 yrs) Marcus Jared Dula (10-11 yrs) Kassandra Kiersten Macaraig (14-15 yrs) at Feriz Gabriel Españo (16-17 yrs).

Tatarget din ng medalya sina SWST tan­kers Marco Isaiah Ubaldo, Jarold Kesley Camique, Jaiden Jose Busadre, Gabrielle Savanah Gonzales, Mikhaela Bliss Dula, Katterina Kleine Macaraig at Indira Loiuse Mamore.

“Pinaghandaan namin ito at sana makuha namin ang resulta na bunga ng aming pinagsanayan ng ilang buwan,” ani Dula.

Ang 172 swimmers ay galing sa iba’t ibang local clubs sa NCR, Region 1VA, Central Luzon, Bicol Region, Iloilo at Bacolod.

Ang SLP team ay isa sa pinakamalaking delegation na kasali sa nasabing torneo.

SWIMMING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with