Walang duda na isa sa dahilan sa mainit na ratsada ng Magnolia Hotshots si Mark Barroca.
Wala rin kwestyon sa galing at kakayahan ni Barroca.
Ang kabilib-bilib eh, ang kanyang karakter, pag-uugali at disiplina.
Niyakap niya ang off-the-bench role. Wala siyang pagmamaktol na hindi siya starter at sa halip eh, instant force sa kanyang pagpasok sa court.
Imagine, hindi siya starter pero siya ang top local scorer ng Magnolia, tumitikada ng 13.8 points a game. Isama pa dito ang kanyang 5.09 assists, 2.7 rebounds at 1.18 steal per outing.
Masasabing lintsak pa rin sa laro ang dating FEU star sa edad na 37.
Dahil sa pagyakap niya sa kanyang papel, sustinado ang takbo ng laro ng Magnolia kahit pahinga ang kanilang first group.
At ang resulta: Dominant run ng Magnolia pamula pa sa pre-season On Tour series.
Pasok na sila sa semifinals at naghinihintay sa resulta ng Meralco-Phoenix do-or-die.
Nakikita kong aabante ang Hotshots sa finals.
Ang kwestyon eh, kung makakalusot sila either San Miguel Beer o Barangay Ginebra.