^

PM Sports

Walang dapat ipangamba — Abando

Chris Co - Pang-masa
Walang dapat ipangamba — Abando
Rhenz Abando (12)
East Asia Super League

MANILA, Philippines — Wala nang dapat ipa­ngamba ang mga suppor­ters ni Rhenz Abando na nagtamo ng injury sa laro ng Anyang Jung Kwan Jang Red Boosters sa Korean Basketball League (KBL).

Mismong si Abando ang naglabas ng video upang ipakita sa kanyang mga tagasuporta ang kanyang kasalukuyang ka­lagayan.

Ayon kay Abando, nakakarekober na ito matapos ang masamang pagbagsak sa laro ng Anyang.

Nagpasalamat si Abando sa mga supporters nito na patuloy na nananala­ngin sa kanyang mabilis na paggaling.

“I just wanna say ‘hi’ to JKJ fans and to my Filipino fans. Wishing you nothing but the best this year and thank you for supporting me,” ani Abando sa video message na naka­post sa social media ng Anyang Jung Kwan Jang Red Boosters.

Matatandaang nagtamo si Abando ng multiple head, spine at wrist injuries nang makabanggaan nito si Goyang Sono import Chinanu Onuaku sa laro noong Disyembre 28.

Dahil sa nangyari, pinatawan si Onuaku ng 3 million won o katumbas lamang ng mahigit P120,000.

Hindi nasuspinde si Onuaku.

Kaya naman sumugod ang ilang suppor­ters ng Anyang sa KBL headquarters nito sa Seoul para iprotesta ang magaan na parusang ibinigay kay Onuaku.

Nangako naman si Abando na babalik agad ito sa aksyon sa oras na gumaling ang kanyang injury.

Hindi nadepensahan ni Abando ang kanyang KBL Slam Dunk crown sa All-Star festivities kahapon sa Goyang, Gyeonggi.

RHENZ ABANDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with