Angas ni Sotto nagbalik na

Basketball player Kai Sotto shared snaps of his team's game during the Japan B. League All-Star weekend in Okinawa, Japan on January 13, 2024.
Instagram/Kai Sotto

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Kai Sotto na nakabalik na ito sa porma matapos ang tinamong back injury noong nakaraang taon.

Unti-unti nang natatagpuan ni Sotto ang da­ting tikas nito kaya naman asahan na mas magiging agresibo ito sa kanyang pag­lalaro para sa Yokoha­ma sa Japan B.League.

May tatlong buwan din na nagpahinga ang 7-foot-3 Pinoy cager para tuluyang gumaling ang back injury nito.

“My back is okay now. I went to rehab for two and a half to three months, strengthening it. Now, I’m confident with my body’s condition,” ani Sotto.

Maingat pa ang c­oaches ni Sotto sa Yokohama.

Ilang minuto muna ang ibinibigay nitong playing time kay Sotto upang hindi ito mabigla sa kanyang pagbabalik.

“My coach in Yokohama, he’s sort of restricting my minutes because he’s being cautious with my condition but I always tell him that I’m okay now,” dagdag ni Sotto.

Bago ang team ni Sotto na dating miyembro ng Hiroshima bago inilipat sa Yokohama.

Malaking adjustments ito para kay Sotto subalit handa itong gawin ang lahat upang tulungan ang kanyang bagong team na makapasok sa playoffs.

“I just moved to a new team so it’s a new adjustment so I think my goal is to help my team win more games, they made the playoffs last year. I hope I can help them make it back to the playoffs again this year,” ani Sotto.

Maingat din si Sotto sa kanyang paglalaro.

Nais nitong mapanati­ling maganda ang kanyang kundisyon upang makaiwas sa anumang injury.

Show comments