This time of the year, abalang-abala na ang Philippine Sportswriters Association sa paghahanda para sa Awards Night na gaganapin sa January 29 sa taong ito.
Napakaprestihiyoso ng event na ito kung saan kinikilala ng grupo ng mga sportswriters at sports editors mula sa iba’t ibang national broadsheets at tabloids newspapers, sports websites at iba pang sports news media ang mga Pinoy athletes na nag-excel sa nagdaang taon.
Bilang miyembro ng grupo, nagkaroon ako ng pagkakataong maging bahagi ng pag-oorganisa ng event na ito at hindi biro ang ilang buwang preparasyon mula sa pagpili ng mga nominees, deliberation, preparasyon ng event, hanggang sa aktuwal na araw ng event.
At hindi maiiwasang may mga hindi makadalo sa iba’t ibang kadahilanan.
Pero isisingit ko lang ‘to.
Dito sa Amerika, nasa playoffs na ang NFL football at sa maniwala kayo at sa hindi, kahit nag-i-snow, kahit napakalamig, naglalaro sila at makikita mong namumula ang mga pisngi ng players sa lamig.
Walang paki ang mga fans sa snow, sa lamig, todo-suporta pa rin sila sa kanilang mga teams. Basta gustong maglaro, gustong manood, sige lang, may paraan.
Mabalik ako sa PSA Awards, gusto ko sanang dumalo pero napakarami kong valid na dahilan para hindi pumunta. Hopefully next year, mabisita ko uli ang PSA Awards.