Mikey Williams ekis sa Strong Group

MANILA, Philippines — Hindi maitago ng Strong Group management ang pagkakadismaya nito matapos hindi duma­ting si Mikey Williams para sana maglaro sa 2024 Dubai International Basketball Championships.

Ayon kay Strong Group Athletics team owner Jacob Lao, wala na sa team si Williams na hindi sumipot sa ensayo ng Strong Group na naghahanda para sa Dubai tournament.

“We really don’t know what happened. Everything was in place, and we agreed to almost e­ve­rything he wanted,” ani Lao sa official statement ng Strong Group.

Maayos ang usapan ng Strong Group at kampo ni Williams.

Sinabi ni Lao na sinunod ng Strong Group ang lahat ng kahilingan ng Talk ’N Text player ma­ging ang hinihiling nitong talent fee.

Ngunit nagulat na lamang ang Strong Group na hindi ito sumipot sa napagkasunduang pagdating nito.

Kaya naman wala nang magawa ang pamunuan ng Strong Group kundi ang mag-moveon at lumaro sa liga nang wala si Williams.

Mangunguna sa kampanya ng Strong Group si dating NBA star Dwight Howard ng LA Lakers kasama sina dating na­turalized player Andray Blatche, former Oklahoma City Thunder defensive player Andre Roberson at McKenzie Moore.

May problema rin si Williams sa pamunuan ng motherb team nitong TNT Tropang Giga sa PBA.

 

Show comments