MANILA, Philippines — Mainit na tinanggap ng PLDT Home Fibr ang bagong kapamilya nito sa ngalan ni opposite hitter Kim Kianna Dy para sa bagong season ng Premier Volleyball League (PVL).
Si Dy ang isa sa F2 Logistics trio na hinugot ng High Speed Hitters.
Pormal nang pumirma ng kontrata si Dy upang makatulong ng High Speed Hitters sa ratsada nito sa All-Filipino Conference na aarangkada sa Pebrero 17.
Inihayag ng PLDT management ang pag-entra ni Dy sa kanilang mga social media accounts.
Isa lamang si Dy sa mga nahugot ng High Speed Hitters mula sa nabuwag na F2 Logistics.
Makakasama ni Dy sina middle blocker Majoy Baron at veteran playmaker Kim Fajardo na nauna nang pumirma ng kontrata sa team.
“Stepping out of your comfort zone can be scary sometimes. But at the same time, that’s when you realize that you can learn so much more from new coaches and teammates,” ani Dy.
Magandang reunion ito para sa De La Salle University players dahil makakasama ng tatlo si middle blocker Mika Reyes sa High Speed Hitters.
Sabik na si Dy na makasama ang High Speed Hitters sa training nito at sa kampanya ng tropa sa PVL.
Umaasa ang pamunuan ng PLDT na malaki ang maitutulong nina Dy, Baron at Fajardo sa ratsada ng kanilang koponan.
Dagdag puwersa ang mga ito kasama sina middle blocker Dell Palomata, setter Rhea Dimaculangan, Jules Samonte, Erika Santos at Filipino-American Savannah Davison.