Bakbakan sa itaas pinasikip ni Bersamina
MANILA, Philippines — Gumanda ang bakbakan para sa korona sa nagaganap na Philippine National Chess Championships - “Battle of the Grandmasters” na nilalaro sa Marikina Community Convention Center.
Tatlong woodpushers ang nagkaroon ng tsansa na masungkit ang korona nang masaluhan sa top spot si International Master Daniel Quizon.
Natablahan si 19-year-old Quizon ni IM Paulo Bersamina sa 12th at penultimate round noong Sabado ng gabi para ilista ang 8.5 points kaparehong puntos ni IM Jan Emmanuel Garcia na kinalos si FM Mark Jay Bacojo.
Mag-isa sa pangalawang puwesto si GM John Paul Gomez na tabla ang laban kay NM Vince Angelo Muedina sa event na may 14-player single round robin.
Tiyak na mapapalaban si Quizon sa last round dahil katapat niya ang may pag-asang magkampeon na si Gomez habang kalaban ni Garcia si FM Christian Gian Karlo Arca.
Bagama’t magkasalo sa No. 4 sina WGM Janelle Mae Frayna at Bersamina na may tig 7.5 puntos ay sina Quizon, Garcia at Gomez na lang ang may tsansang magkampeon.
- Latest