^

PM Sports

Nadera tinapos ang ratsada ni Quizon

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakakitim ng unang talo si International Master Daniel Quizon pero nanatili pa rin sa tuktok matapos ang round 10 ng Philippine National Chess Championships - “Battle of the Grandmasters” na nilalaro sa Marikina Community Convention Center.

Noong Biyernes ng gabi ay yumuko si 19-year-old Quizon kay chess Olympiad veteran IM Barlo Nadera matapos ang 51 moves ng Reti opening.

Napako ang Dasmariñas bet na si Quizon sa 7.5 points pero solo pa rin siya sa tuktok habang nilista ni Nadera ang 3.5 puntos.

Natapyasan ng kalaha­ting puntos ang lamang ni Quizon kina WGM Janelle Mae Frayna, GM John Paul Gomez at IM Jan Emmanuel Garcia matapos makipaghatian ng puntos sa kanilang mga kalaban.

Siksikan sina Frayna, Gomez at Garcia sa No. 2 hawak ang pitong puntos, kailangan nilang manalo sa tatlong huling rounds upang makahabol kay Quizon.

Tabla ang laro nina Fray­na at Gomez matapos ang 55 sulungan ng Queen’s Gambit habang draw din si Garcia kay Samson Lim sa kanilang 36 moves ng Giuoco Piano.

KARERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with