Linsanity buhay pa rin sa Pilipinas

MANILA, Philippines — Buhay na buhay pa rin ang Linsanity sa Pilipinas matapos dumugin si da­ting NBA star Jeremy Lin na tunay na minahal ng Pi­noy fans.

Matatandaang pumutok ang Linsanity may isang dekada na ang naka­lilipas.

At isa ang mga Pilipino sa yumakap sa kasagsagan ng kasikatan ni Lin noong naglalaro pa ito sa New York Knicks sa NBA.

Makalipas ang 11 taon, ramdam pa rin ni Lin ang pagmamahal ng Pinoy fans sa kanya.

“The enthusiasm of Filipinos, you just feel it everywhere you go. Even with the one-on-one or one-on-two interactions, it’s just a treat to be here because feel it everywhere you go,” ani Lin

Dagsa ang fans ni Lin sa laban ng New Taipei Kings kontra sa Meralco Bolts sa 2023-24 EASL na ginanap sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nagwagi ang Kings sa iskor na 89-77.

Huling bumisita si Lin sa Maynila noong 2013 noong miyembro pa ito ng Houston Rockets para sa NBA Global Games.

“When I came in 2013, it was with the NBA Rockets and Indiana Pacers. The thing is, we couldn’t even li­terally, barely walk out of the lobby of our hotel, like there was like hundreds of people following us,” ani Lin.

Sinabi nitong isa ang Pilipinas sa pinakamagandang destinasyon tuwing off season ng NBA.

Kaya naman walang duda na babalik balikan ni Lin ang Pilipinas na isa sa may pinakamainit na fans sa buong mundo.

Show comments