^

PM Sports

Miami Heat sinunog ang Warriors; Jokic itinala ang ika-11 triple-double

Pang-masa

SAN FRANCISCO — Nagtala si Tyler Herro ng 26 points para pangunahan ang Miami Heat sa 114-102 pagsunog sa Golden State Warriors.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Heat (19-12) bagama’t hindi naglaro si star forward Jimmy Butler sa ikaapat na sunod na pagkakataon dahil sa strained left calf.

Nag-ambag si Jamal Cain ng 18 points at may tig-8 markers sina center Bam Adebayo at rookie Jaime Jaquez Jr.

Umiskor sina Stephen Curry at Klay Thompson ng tig-13 points sa panig ng Warriors (15-16) na na­kahugot kina Moses Moody at Andrew Wiggins ng tig-11 points.

Nag-ambag si Trayce Jackson-Davis ng 10 points at 11 rebounds para sa Golden State.

Sa Denver, kumolekta si Nikola Jokic ng 26 points, 14 rebounds at 10 assists para sa kanyang ika-11 triple-double sa season sa 142-105 pag­ma­saker ng nagdedepensang Nuggets (23-10) sa Memphis Grizzlies (10-20).

Inilista ni Jokic ang kanyang ika-116 regular-season triple-double para sa fourth all-time sa NBA history na pinamu­munuan ng 198 ni Russell Westbrook ng Los Angeles Clippers.

Sa Boston, humataw si Kristaps Porzingis ng season-high 35 points sa 128-122 overtime win ng Celtics (24-6) sa Detroit Pistons (2-29).

Ito ang ika-28 sunod na kamalasan ng Pistons para pantayan ang NBA record ng Philadelphia 76ers noong 2014-15 at 2015-16 seasons.

Sa Portland, kumama­da si top overall pick Vic­tor Wembanyama ng 30 points, 6 rebounds, 6 assists at 7 blocks sa 118-105 panalo ng San An­tonio Spurs (5-25) sa Trail Blazers (8-22).

Sa Chicago, tumipa si NBA assists leader Tyrese Haliburton ng career-high 20 assists at 21 points sa 120-104 pagdaig ng Indiana Pacers (16-14) sa Bulls (14-19).

Sa New Orleans, nagposte si Brandon Ingram ng 26 points kasama ang krusyal na 3-pointer sa huling tatlong minuto ng laro para tulungan ang Pelicans (18-14) na liparin ang 112-105 panalo kontra sa Utah Jazz (13-19).

MIAMI HEAT

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with