Minowa tumaas ang posisyon sa Nxled at Akari

MANILA, Philippines — Mula sa pagiging head coach ay tumaas ang posisyon ni Japanese coach Taka Minowa.

Hinirang kasi si Mino­wa bilang Director of Volleyball Operations ng sister teams na Nxled Chameleons at Akari Chargers para sa 2024 season ng Premier Volley­ball League (PVL).

Ang Japanese mentor ang mamumuno sa vol­ley­ball programs ng sister teams, ngunit patuloy pa rin siyang magiging coach ng Nxled.

Wala pang nakukuhang kapalit ang Akari ma­tapos ang pagbibitiw ni Brazilian coach Jorge De Brito.

Inaasahan ding ihaha­yag ang mga bagong assistant coaches ng Cha­me­leons at Chargers sa su­sunod na taon.

Kapwa bigong makapasok sa playoffs ang Akari at Nxled sa naka­raang PVL Second All-Fi­lipino Conference.

 

Show comments