MANILA, Philippines — Tinanggap na ni dating PBA guard Olsen Racela ang pagiging head coach ng University of Perpetual Help System DALTA Altas para sa Season 100 NCAA men’s basketball tournament.
Kinumpirma ni Barangay Ginebra star Scottie Thompson, team manager ng Altas, ang pag-upo ng 53-anyos na si Racela sa bench ng Las Piñas-based team sa susunod na taon.
“We’re happy na kinausap ako ng (Perpetual) management and try to get coach Olsen para sa team. Iyon nga, I think so far all good naman,” ani Thompson sa nine-time PBA champion player na papalit kay Myk Saguiguit na bababa bilang assistant coach.
Nagbitiw si Racela sa Far Eastern University s sa nakaraang UAAP season.
Minalas ang Perpetual na makapasok sa Final Four sa nakaraang dalawang NCAA seasons at tumapos na fifth place sa elimination round ng katatapos na Season 99.
Pinagharian ng San Beda ang nasabing season matapos talunin ang Mapua, 2-1, sa best-of-three championship series.
Kapwa nagtapos na may 10-8 baraha ang Perpetual at Jose Rizal U sa naturang NCAA season.