^

PM Sports

4 boxing belts target ni Tapales

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung sakali ay si world super bantamweight king Marlon Tapales ang magiging kauna-unahang Pinoy na magmamay-ari ng apat na korona.

Ito ang nagsisilbing motibasyon ng tubong Tubod, Lanao del Norte sa kanilang unification championship fight ni Japanese title-holder Naoya Inoue sa Martes sa Tokyo, Japan.

Nasa Tokyo na si Ta­pales dala ang kanyang World Boxing Association WBA Super at International Boxing Federation (IBF) super bantamweight crowns.

“I’m in very good sha­pe, and wish to win over Inoue clearly. I know I­noue is an excellent boxer with high IQ, but I’ll do everything possible to be victorious,” sabi ng Pinoy champion sa panayam ng Fightnews.com.

Inagaw ni Tapales ang mga WBA (Super) at IBF super bantamweight titles mula sa isang isang split decision win kontra kay Murodjon Akhmadaliev ng Uzbekistan noong Abril.

Ipaparada ni Tapales ang 37-3-0 win-loss-draw ring record kasama ang 19 knockouts, samantalang dala ni Inoue ang 25-0-0 (22 KOs) card.

Dalawang buwan nag-training si Tapales sa Las Vegas, Nevada bago umuwi sa Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang ensayo at paghahanda kay Inoue.

Itataya ng 30-anyos na si Inoue ang kanyang mga suot na World Bo­xing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) belts laban kay Tapales.

“My goal was never just to move up in weight. It was always to create history,” sabi ni Inoue na gustong maging unang Japanese boxer na nagkampeon sa dalawang weight divisions.

WBC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with