SEAG queen itinumba ang gold medal sa PNG

Si Cambodia SEA Games queen Sakura Alforte sa women’s kata event ng PNG.
PSC photo

MANILA, Philippines — Itinumba ni Cambodia Southeast Asian Games kata queen Sakura Alfor­te ang gintong medalya matapos lusutan si dating national champion Rebecca Torres sa Philippine National Games karate championships kahapon sa Philsports Arena sa Pa­sig City.

Umiskor si Alforte, ang SEA Karate Fede­ration women’s champion, ng 23.90 points pa­ra ungusan si Torres ng .20 points sa torneong inorganisa ng Philippine Sports Commission.

“It is always nice to have a challenge, which only means you strive to perform better than you,” wika ng 21-anyos na si Al­forte.

Si dating national standout Chino Veguillas ang kumuha sa tanso sa kan­yang 22.70 points

Inangkin ni World championship quarterfi­nalist Jeremy Nopre ang gold sa men’s kata sa kan­yang 23.50 points kasunod sina Felix Calipusan (22.90) para sa silver at Giovanni (22.50) para sa bronze.

Sa Philsports pool, si­nisid ni Bulacan tanker Rafael Barreto ang kanyang ikaapat na ginto nang magtala ng 1:53.05 sa boys 18-0ver 200-meter freestyle.

Nilangoy ni Atasha dela Torre ng Ormoc City ang pangatlong ginto sa pa­nalo sa girls 18-over 100-meter butterfly event.

Sa Philsports oval, iti­­nakbo ni Lyca Catubig ng Davao City ang gin­to sa women’s U20 5,000-meter walk sa oras na 28.21.82, samantalang si Justin Santo Macuring ng Pasig City ang naghari sa boy’s class sa kanyang 26:26.23.

Sa chess, isinulong ni Woman International Master Kylen Mordido ng Dasmarinas City, ang ikatlong gold sa kanyang pananaig sa blitz wo­men’s laban kay Woman Fide Master Cherry Ann Mejia via tiebreak.

Si Mejia ang dumakma sa women’s rapid gold medal.

Wagi sina Mandalu­yong bets Francoise Marie Magpily at Ma. Elayza Villa sa women’s rapid at blitz events.

 

Show comments