Brunson nagsunog ng 50 pts vs Suns
PHOENIX— Nagsalpak si guard Jalen Brunson ng career-high 50 points tampok ang siyam na three-point shots para igiya ang New York Knicks sa 139-122 pagpapalubog sa Suns.
Si Brunson ang unang Knicks player sa franchise history na umiskor ng 50 points na may siyam na triples.
May 23 markers si Julius Randle para sa New York (14-10).
Kumamada si Kevin Durant ng 29 points kasunod ang 28 markers ni Devin Booker sa panig ng Phoenix (13-12) habang nagkaroon si Bradley Beal ng ankle injury sa first quarter.
Kinuha ng Suns ang 10-point lead sa third quarter at hinawakan ang 99-97 abante papasok sa fourth bago humataw si Brunson ng 19 points tampok ang limang tres para sa panalo ng Knicks.
Sa Memphis, iniskor ni Dillon Brooks ang 24 sa kanyang 26 points sa second half sa 103-96 pagdaig ng Houston Rockets (13-9) sa Grizzlies (6-18).
Sa San Antonio, nagbagsak si Devin Vassell ng career-high 36 points at kumolekta si Victor Wembanyama ng 13 points at 15 rebounds sa 129-115 pagbawi ng Spurs (4-20) sa Los Angeles Lakers (15-11).
Sa Toronto, nagsunog si Trae Young ng 38 points at 11 assists at may 20 markers si Bogdan Bogdanovic sa 125-104 pagdagit ng Atlanta Hawks (10-14) sa Raptors (10-15).
- Latest