^

PM Sports

Robinson binura ang multo sa finals

Nilda Moreno - Pang-masa
Robinson binura ang multo sa finals
Ang victory ride ng mga Green Archers para kay coach Topex Robinson.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Nabugaw na rin ni De La Salle Universi­ty head coach Topex Ro­binson ang multo na uma­alingawngaw sa kanya pagsampa niya sa best-of-three championship series ng UAAP Season 86 men’s basketball.

Ito’y matapos angkinin ng Green Archers ang korona nang kalusin ang University of the Philippines Fighting Maroons, 73-69, sa Game Three.

Tatlong beses nawalis at hindi nakatikim ng pa­nalo sa finals si Robinson  bilang head coach.

Lumalabas na 0-7 sa finals si Robinson nang ma­talo ang Taft-based team sa Game One.

Sumampa sa Finals si Robinson noong 2011 at San Sebastian pa ang ha­wak niya sunod ang Ly­ceum of the Philippines at ginabayan niya ito pa­punta sa finals noong 2017 at 2018, pero winalis lang lahat ng San Beda Red Lions.

Kaya naman naging sobra ang saya ni Robinson nang matikwan ang tagumpay bilang coach.

Maliban sa kamalasan ni Robinson ay nakalsuhan na rin ng DLSU ang pitong taon na pagkalugmok sa pagsilo ng koro­na matapos ang panalo sa Game Three.

“You have to give cre­dit to the coaches who came before me and built this team. They’ve really done a tremendous job and I’m just so grateful for these guys that were with me throughout this sea­son,” pahayag ni Ro­bin­son.

Hindi napanghinaan ng loob si Robinson sa 67-97 blowout defeat ng DLSU sa Game One at bumangon agad ang mga tropa niya upang masungkit ang 82-60 panalo sa Game Two.

Naukit na ang pa­nga­lan ni Robinson sa lis­­tahan ng mga Green Archers coaches na nagwa­gi kaagad ng kampeonato sa kanilang unang taon,

Nauna rito si Franz Pu­maren (1998) sunod si Juno Sauler (2013) at pa­ngatlo si Aldin Ayo (2016).

vuukle comment

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with