Doncic itinala anag ika-60 triple-double

DALLAS — Humakot si star guard Luka Doncic ng triple-double na 40 points, 11 rebounds at 10 assists para akayin ang Mavericks sa 147-97 pagmasaker sa Utah Jazz.
Ito ang pang-60 career triple-double ni Doncic para lampasan si legend Larry Bird sa ninth place overall sa NBA career list.
Nagdagdag si Kyrie Irving ng 26 points para sa Dallas (12-8) na nagmula sa two-game losing skid.
Binanderahan ni Ochai Agbaji ang Utah (7-14) sa kanyang 21 points, habang hindi naglaro sina top scorers Lauri Markkanen at Fil-Am Jordan Clarkson.
Sa Houston, humataw si Dillon Brooks ng 23 points at tinapos ng Rockets (9-9) ang three-game losing slump mula sa 110-101 pagdaig sa Oklahoma City Thunder (13-7).
Sa Minneapolis, nagtala si Rudy Gobert ng 16 points at 21 rebounds para tulungan ang NBA-leading Minnesota Timberwolves (16-4) sa 102-94 panalo sa San Antonio Spurs (3-17).
Sa Chicago, tumipa si DeMar DeRozan ng 29 points para sa 111-100 pagsuwag ng Bulls (8-14) sa Charlotte Hornets (6-13).
- Latest