FEU Cheering Squad kampeon

The FEU pep squad is back on top of the UAAP Cheerdance competition.
Philstar.com / Anj Andaya

MANILA, Philippines — Muling kuminang ang Far Eastern University Cheering Squad matapos nilang magkampeon sa UAAP Season 86 Cheerdance Competition na ginanap sa Mall of Asia Arena kahapon.

Umiskor ang FEU ng 702.5 points mula sa mga hurado sapat upang alisan ng korona ang Season 85 champions National University Pep Squad na lumanding lamang sa second place sa nirehistrong 697 puntos.

Bumilib ang mga hurado sa Super Mario routine ng FEU kaya naman nasungkit ng Tamaraws Cheering Squad ang pang-apat nilang titulo.

Tumersero ang UST Salinggawi Dance Troupe na may 687 puntos.

Parehong nakakuha ng five points deductions ang FEU at NU pero nakalamang ang Tamaraws Cheering Squad sa tumbling, tosses, pyramids, at sayaw para makuha ang titulo.

Pang-apat ang A­dam­son Pep Squad (665 points), sunod ang UP Pep Squad (602), UE Pep Squad (559), DLSU Animo Squad (555.5) at Ateneo Blue Eagles (532).

Mabilis ang pacing ng routine ng FEU at ma­kapigil hiningang tumbling sa ere ang nasaksihan ng mahigit 18,000 fans ang nanood sa nasabing venue.

Samantala, nasungkit ng UST Salinggawi Dance Troupe ang back-to-back bronze finishes, sinayaw nila ang tunog ng K-Pop group BLACKPINK.

Bentahe ang UST sa dance category pero sila ang may pinakamalaking penalty, (15).

Show comments